POLICE ARREST: Here are what you need to do and say if you are arrested by a Police and alleged as a suspect.

ANO-ANO ANG MGA DAPAT MUNG GAWIN SAKALING IKAW AY HINULI NG PULIS AT INAKUSAHANG SUSPECT:

  1. Tanunging kung bakit ka inaresto.
  2. Hilinging makita ang warrant of arrest kung mayroon.
  3. Manatili na walang imik. Dahil ano man ang sabihin mo ay maaring gamitin laban sa iyo sa Korte.
  4. Manatiling kalmado at huwag tumakbo.
  5. Makipag-usap sa iyong abogado o pamilya.
  6. Huwag basta-basta lalagda sa anumang papel o bagay lalo na kung hindi ito naiintindihan.

POLICE ARREST: KNOW YOUR MIRANDA RIGHTS

Ang MIRANDA RIGHTS o MIRANDA WARNING ay karapatan ng taong naakusahan.

Ito ay nagmula sa isang kaso sa Estados Unidos kung saan ang kriminal na si Ernesto Miranda , matapos siyang umamin sa pagnanakaw, pagkidnap, at rape ay kinalaunang binawi ang pag-aming ito dahil sa malupit na paraan umano ng imbestigasyon. Ito ang naging simula sa prinsipiyo na basahin muna ng kinauukulan sa mga akusado ang kanilang mga karapatan bago sila ay tanungin.

 

ANO-ANO ANG MGA KARAPATAN NG ISANG NAAKUSAHAN AYON SA MIRANDA RIGHTS

  1. You have the right to remain silent.
  2. Anything you say can and will be use against you in a court of law.
  3. You have the right to an attorney.
  4. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you.
  5. Do you understand the rights I have just read to you.