INFIDELITY IN MARRIAGE OR MARITAL INFIDELITY-Nangaliwa ang mister kong OFW, ano po ang pwede kong gawin? Maaari ko ba siyang kasuhan sa Pilipinas?

Kadalasan ay hindi pwedeng magfile ng criminal case kapag naganap ang krimen sa ibang bansa.

Pero sa Pilipinas ay maari mung kasuhan ang mister mo para sa paglabag sa Republic Act. 9262 on ang Anti-VAWC law.

Sa ilalim ng Anti-VAWC law, ang marital infidelity/ infidelity in marriage o pangangaliwa ni Mister ay kinikilalang “psychological violence” kay misis. Bagamat naganap ang psychological violence sa ibang bansa , naramdaman ng misis ang psychological effect nito sa Pilipinas na isang element ng Krimen.

ANO ANG R.A 9262 O ANG VAWC LAW?

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children ay panukalang batas na ipinasa ng Kongreso. Nilalayon ng batas na ito na tugunan ang laganap na pang-aabuso sa kababaihan ng kanilang mga intimate partners, kabilang ang dati o kasalukuyang asawa, live-in partner o boyfriend.

Sa maraming pagkakataon, madadamay din ang mga anak ng babae sa pang-aabuso kung kaya’t ito rin ay kasamang tinutugunan ng batas.

SINASAKTAN AKO PISIKAL AT BINABANTAAN AKO NG ASAWA KO NA PAPATAYIN AT TADTARIN, VAWC PO BA ITO?

Oo, isa ito sa akto ng VAWC na nakapaloob sa Pisikal at Sikolohical (Psychological) na Pang-aabuso.

KABILANG SA MGA AKTONG VAWC sa ilalim ng batas ay:

  • Pisikal– panggugulpi,paninipa,panunutok ng baril o kahit anumang bagay na makakasakit.
  • Sekswal– Panggagahasa, pamimilit na manuod ng x-rated na penikula, pambubugaw ng asawa o anak
  • Sikolohikal– Pamamahiya, paninira ng gamit,pagkakait sa mga anak
  • Ekonomik o pinansiyal– Hindi pagbibigay ng suporta, pamimigil sa pagtatrabaho ng babae, pagkuha o pagcontrol ng kita ng babae, paninira ng gamit sa bahay

LAGING SINASABI NG MISTER / BOYFRIEND KO NA MAGPAPAKAMATAY SIYA KAPAG HINIWALAYAN KO SIYA, ANO ANG GAGAWIN KO?

Maari mung kasuhan ang mister mo o boyfriend para sa paglabag sa Republic Act. 9262 Section 5 Article F.

“Section 5 Article F or R.A 9262 – Inflicting or threatening to inflict physical harm on oneself for the purpose of controlling her actions or decisions”

RELATED: HOW MUCH CAN AN ILLEGITIMATE CHILD INHERIT IN THE PHILIPPINES (INHERITANCE OF ILLEGITIMATE CHILDREN)